Roxas at De Lima pinagpapaliwanag sa implementasyon ng GCTA
Pinagpapaliwanag ng Ombudsman sina Senator Leila De Lima at dating Interior Secretary Mar Roxas kaugnay ng kontrobersiya sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.
Ayon kay Ombudsman Samuel Martires binigayan ng tig- tatlong araw para magpaliwanag sina Roxas at De Lima partikular sa probisyon sa implementing rules and regulation (IRR) ng nasabing batas.
Sanabi pa nito na nakasaad ang diskwalipikasyon ng mga preso na tinutuloy sa article 29 ng revised penal code partikular ang mga recidivist, habitual delinquent, escapees, at mga nahatulan ng makarumaldumal na krimen, pero bigo umano sina De Lima at Roxas na sundin ito noong 2014.
Mula noong 2014 umabot ng 1,914 ang presong nanahatulan dahil sa nakamit na karumaldumal na krimen ang maagang napalaya sa ilalim ng GCTA Law.
Si De Lima ay naging kalihim ng Department of Justice mula 2010 hanggang 2015 at Si Roxas ay naging kalihim ng Department of the Interior and Local Government mula 2012 hanggang 2015
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.