Carlwyn Baldo nakalaya na matapos magpiyansa
Nakalaya na si dating Daraga Mayor Carlwyn Baldo, ang itinuturong utak sa pagpatay kay Ako Bicol (AKB) Party-List Representative Rodel Batocabe noong isang taon.
Ayon sa Legaspi City Jail, bandang alas-4:00 lunes ng hapon na matanggap nila ang release order para kay Baldo.
Si Baldo ay sinalubong ng kanyang mga kaanak kabilang ang misis nito na si Romella at kanyang ina na si Gloria at kapatid na vice mayor ng bayan ng Camalig na si Ardhail “Ding” Baldon.
Sinamahan din siya ng kapatid na lalaki na si Ervin at ng abogado ng dating alkalde na si Atty. Merito Lawensky Fernandez.
Napalaya si Baldo matapos pagbigyan ng korte ang kanyang petition for bail.
Ayon sa ulat, aabot sa P8.72 milyon ang inilagak na surety bond ng kampo ni Baldo.
Samantala, dismayado naman ang pamilya Batocabe sa paglaya ng dating alkalde.
Ayon kay Justin Batocabe, anak ng napatay na mambabatas, nagulat sila sa pagkakalaya ni Baldo dahil naghain sila ng motion of reconsideration noong isang linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.