Pagtatatag ng Davao International Airport Authority aprubado na ni Pangulong Duterte

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na Republic Act 11457 na nagtatatag sa Davao International Airport Authority.

Nakasaad sa bagong batas na ang Davao International Airport Authority ang mangangasiwa at mamahala sa Francisco Bangoy International Airport sa Davao City at iba pang airports sa Davao Region.

Inaatasan ang DIAA na makipag-ugnayan sa Department of Transportation (DOTr).

Pinatitiyak din sa DIAA na i-promote at i-pevelop ang international at air domestic traffic sa Davao Region pati na ang pag-upgrade sa pasilidad at serbisyo sa Francisco Bangoy International Airport.

Nabatid na ang kalihim ng DOTr at ang DIAA general manager anng magsisilbing ex officio chairman at vice chairman ng board.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang bagong batas noong August 30, 2019 at magiging epektibo matapos ang labing limang araw na publication sa major newspaper.

Read more...