July 25 kada taon idineklara bilang National Campus Press Freedom Day

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11440 na nagdedeklara sa July 25 kada taon bilang National Campus Press Freedom Day.

Nakasaad sa batas na tungkulin ng estado na itaguyod, protektahan at pangalagaan ang karapatan sa freedom of expression at freedom of the press sa bansa.

Inaatasan ng batas ang lahat ng paaralan o educational institutions sa buong bansa na suportahan ang National Campus Press Freedom Day.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang bagong batas noong August 28, 2019 at magiging epektibo labing limang araw matapos ang official publication sa malalaking pahayagan na mayroong major circulation.

Read more...