Mas marami sanang magiging solusyon sa traffic kung may emergency powers si Pangulong Duterte – DOTr
Nanindigan ang Department of Transportation na mas marami sana silang nagawang solusyon sa traffic kung nabigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang binigyang-diin ni DOTr Sec. Arthur Tugade sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services na pinamumunuan ni Senator Grace Poe.
Personal na dumalo sa pagdinig si Tugade para idepensa ang paggigiit nilang mabigyan ng emergency powers ang pangulo.
Paliwanag ni Tugade, hindi naman porke walang emergency powers ay wala na silang ginagawa para matugunan ang traffic.
Gayunman, mas marami aniya sanang magiging solusyon kung naipagkaloob ang nasabing kapangyarihan.
Tinatalakay sa pagdinig ang panukalang emergency powers upang matugunan ang lumalalang sa traffic sa bansa lalo na sa Metro Manila.
Pag-uusapan din ang panukalang provincial bus ban sa EDSA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.