Tatlo arestado sa buy-bust sa Antipolo City

Arestado ang tatlong drug personalities sa buy-bust operation na ikinasa ng mga otoridad sa Antipolo City.

Isinagawa ang operasyon sa ng mga tauhan ng Antipolo City Police Station sa Sitio Abuyod, Brgy San Jose.

Kinilala ang mga nadakip na sina Luisito Denoga Jr. alyas Intsik, 38 anyos; Anthony Salazar, 35 anyos; at Alvino Salazar, 20 anyos.

Pawang residente ng Antipolo City ang tatlo.

Nakuha sa mga suspek ang limang maliliiit na plastic sachet ng shabu at P200 na buy bust money.

Nakakulong ngayon ang tatlo sa Antipolo City police station.

Read more...