LOOK: Ilang barangay sa Hermosa, Bataan binaha

By Dona Dominguez-Cargullo September 10, 2019 - 10:41 AM

Binaha ang ilang mga barangay sa bayan ng Hermosa sa lalawigan ng Bataan.

Ito ay bunsod ng pag-ulang nararanasan sa lalawigan simula pa kahapon, araw ng Lunes.

Maliban sa tubig-baha, may mga puno ring nagtumbahan at humambalang sa kalsada.

Agad namang nagtalaga ng mga tauhan ang Hermosa Police station para masigurong agad matutulungan ang mga residenteng kailangang lumikas.

Sa larawang ibinahagi ng Hermosa Police sa ibang mga lugar ay kinailangang gumamit ng bangka ng mga residente dahil sa mataasna tubig-baha.

Una nang sinabi ng PAGASA na makararanas ng monsoon rains ang Central Luzon at kasama dito ang Bataan.

TAGS: bataan, flash flood, habagat, hermosa, weather, bataan, flash flood, habagat, hermosa, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.