Publiko pinayuhan ng DOH na lutuing mabuti ang karneng baboy
Matapos makumpirmang mayroon nang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa bansa, pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na tiyakin ang maayos na pagluluto ng karneng baboy.
Ayon sa pahayag ni Health Sec. Francisco Duque III, walang dapat ikabahala ang publiko lalo na kung ang karneng baboy ay galing sa maayos na pamilihan at naluto ng tama.
Sinabi ni Duque na hindi banta sa kalusugan ng tao ang ASF.
Ayon sa DOH, dahil madaling kumalat sa mga alagang baboy ang ASF pinapayuhan na ng pamahalaan ang mga hog raiser na huwag magpakain ng hindi lutong baboy sa kanilang mga alaga.
Hinimok din ng DOH ang publiko na suportahan ang mga ipinatutupad na hakbangin ng Department of Agriculture (DA).
Sa ngayon wala pang bakuna para malabanan ang naturang sakit sa mga baboy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.