Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, maaring ang mga backyard hog raisers sa Rodriguez, Rizal ay kumuha ng pagkain ng kanilang baboy mula sa mga tira-tirang pagkain na itinatapon sa Rodriguez dumpsite.
Kabilang kasi sa itinatapon sa dumpsite ay ang mga tirang pagkain mula restaurants at hotels.
Sinabi ni Dar na may mga mangangalakal ang nangungulekta ng kanin-baboy mula sa dumpsite, inilalagay sa sako at saka ibinebenta ng P15 kada sako.
Maari aniyang naipasok sa bansa ang ASF sa pamamagitan ng infected meat products.
Pwedeng galing sa delata o galing sa mga piggery sa mga bansang apektado ng ASF.
Tiniyak naman ng DA na ligtas kumain ng karneng baboy basta’t nasuri ito ng National Meat Inspection Service.