Dispatcher ng jeep patay sa pananambang sa Cebu City

By Dona Dominguez-Cargullo September 10, 2019 - 09:29 AM

Patay sa pananambang ang isang dispatcher ng jeep sa Barangay Lahug, Cebu City, Lunes (Sept. 9) ng gabi.

Nakilala ang biktimang si Marvin Baylon Anabia, 25 anyos na residente sa naturang barangay.

Nakitang walang buhay ang biktima na nakahiga sa kutson sa tabing kalsada sa Sitio Zapatera.

Ayon kay Police Staff Sergeant Ador Bacalso ng Mabolo Police, may dalawang tama ng bala sa kaniyang ulo ang biktma.

Ayon sa mga residente sa lugar nakarinig sila ng apat na putok ng baril bago nila natagpuan ang walang buhay na na si Anabia.

Isang lalaking sakay ng itim na motorsiklo ang nakita sa lugar bago ang pamamaril.

Inaalam na ng pulisya kung may CCTV sa lugar.

Si Anabia ay dati nang nasangkot sa mga insidente ng pagnanakaw.

TAGS: ambush, Cebu City, dispatcher, lagug, ambush, Cebu City, dispatcher, lagug

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.