Spekulasyon na bibigyan ng bagong pwesto sa pamahalaan si Faeldon iwasan na muna ayon sa Malakanyang

Umaapela ang Palasyo ng Malakanyang sa publiko na iwasan na muna ang mga spekulasyon na bibigyan ng bagong pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasibak na si dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon.

Pahayag ito ng palasyo matapos sabihin ni Pangulong Duterte na buo pa rin ang kanyang tiwala kay Faeldon kahit na sinuway ang kanyang utos na huwag bigyan ng release order si convicted rapist at murderer Antonio Sanchez.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, pre-mature pa para isiping mapagkakalooban ng puwesto sa gobyerno ang dating marine captain bunsod ng pagkakabit sa nananatiling tiwala dito ng chief executive.

Spekulasyon aniya kung pangungunahan ang anumang magiging desisyson ng pangulo.

Ayon kay Panelo, ang pagiging matapat ni Faeldon nangingibabaw para sa pangulo kung kaya buo pa ang kanyang tiwala at kumpiyansa sa nasibak na BuCor chief.

Read more...