Antas ng tubig sa Angat dam sumampa na sa 184-meter level

By Dona Dominguez-Cargullo September 10, 2019 - 08:07 AM

Umabot na sa 184-meter level ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa nakalipas na 24 oras ay nadagdagan ng halos isang metro ang water level ng Angat dam.

Ayon PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong Martes, Sept. 10 ay nasa 184.58 meters ang water level ng Angat.

Ang Ipo dam naman ay nadagdagan din ang water level na nasa 101.01 meters habang ang La Mesa dam naman ay nasa 77.37 meters.

Samantala, nadagdagan din ang antas ng tubig sa Binga, San Roque, Pantabangan , at Magat dams.

Habang nabawasan naman ang water level ng Ambuklao at Caliraya dams.

TAGS: Angat Dam, dam status, Ipo dam, la mesa dam, water level, Angat Dam, dam status, Ipo dam, la mesa dam, water level

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.