Daloy ng traffic sa magkabilang linya ng EDSA maagang nagsikip dahil sa poste ng ilaw na bumagsak sa Ortigas flyover

Maagang naperwisyo ang mga motorista sa magkabilang panig ng EDSA bunsod ng tumumbang poste ng ilaw sa EDSA-Ortigas Flyover Soutbound.

Humarang ang poste ng ilaw sa pagbaba ng flyover habang ang kawad na nakadugtong dito ay lumaylay naman sa EDSA-Ortigas Flyover northbound.

Sa post ng MMDA sa kanilang twitter account nagdulot ito ng matinding pagsisikip sa daloy ng traffic sa magkabilang linya ng EDSA.

Ayon kay Emma Loristo ng MMDA Metrobase, ang tail-end ng traffic sa southbound ay umabot na ng ng Timog Flyover.

Habang umabot sa Magallanes ang tail-end sa Northbound.

Bago mag alas 7:00 ng umaga ay naialis na sa lugar ang humarang na poste at kable pero matindi na ang build-up ng traffic naidinulot nito.

Samantala, sa C5 Bagong Ilog Flyover naman, may lumaylay ding kawad ng kuryente sa northbound.

Umabot naman sa SM Aura ang tail end ng traffic sa nasabing lugar.

Read more...