Metro Manila, mga kalapit na lalawigan patuloy na uulanin

By Dona Dominguez-Cargullo September 10, 2019 - 06:08 AM

Nakataas pa rin ang rainfall warning ng PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa abiso ng PAGASA na inilabas alas 5:38 ng umaga ng Martes, Sept. 10 mahina hanggang katamtamang apg-ulan ang naranasan sa Bataan, Zambales at Cavite sa nakalipas na dalawang oras.

Inalis naman na ng PAGASA ang itinaas na yellow warning sa nasabing mga lalawigan.

Samantala, mahina hanggang katamtamang pag-ulan din ang ang mararanasan sa Metro Manila, Rizal, Pampanga, at Bulacan sa susunod na tatlong oras.

Ganitong lagay din ng panahon ang inaasahang mararanasan sa Batangas at Laguna sa susunod na dalawang oras.

Pinayuhan ang mga residente na maging maingat sa posibleng pagbaha at landslides.

TAGS: habagat, Heavy Rainfall, Pagasa, habagat, Heavy Rainfall, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.