Pumaslang sa OFW na si Joanna Demafelis hinatulang guilty ng korte sa Syria
Guilty ang hatol laban sa employer ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Joanna Demafelis na pinatay at natagpuan na lamang ang bangkay sa loob ng freezer sa Kuwait.
Ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) araw ng Lunes, hinatulang guilty ng Syrian District Criminal Court sa kasong murder si Mouna Ali Hassoun.
Nahaharap din sa kaparehong kaso sa Lebanon ang asawa ni Mouna Ali Hassoun na si Nader Essam Assaf.
Taong 2014 nang lumipad pa-Kuwait si Demafelis upang magtrabaho bilang domestic helper.
Taong 2016 ay napaulat na nawawala na ito at noong nakaraang taon ay natagpuan ang kanyang bangkay sa loob ng freezer sa inabandonang apartment.
Tumakas ang mag-asawang salarin hanggang sa maaresto at makasuhan sa Syria.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.