Dalawang LPA binabantayan ng PAGASA sa loob at labas ng bansa

By Dona Dominguez-Cargullo September 10, 2019 - 05:35 AM

Dalawang Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA na ang isa ay nasa loob ng bansa habang ay isa ay nasa labas pa ng bansa.

Ang isang LPA ay huling namataan sa layong 115 kilometers east ng ng Laoag City.

Habang ang isa ay huling namataan ng PAGASA sa layong 1,930 kilometers east ng Southern Luzon.

Ang nasabing LPA ay papasok sa bansa sa Miyerkules.

Ayon sa PAGASA, lalakas ang nasabing LPA at magiging isang ganap na bagyo at maaring maapekto sa malaking bahagi ng Luzon.

Samantala, sa magiging lagay ng panahon ngayong araw, apektado pa rin ng Habagat ang Luzon.

Makararanas ng monsoon rains ang Cordillera Administrative Region (CAR) at ang Central Luzon.

Habang kalat-kalat na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat ang mararanasan din sa Metro Manila, Calabarzon, Cagayan Valley Region at Ilocos Region dahil pa rin sa Habagat.

Magiging maaliwalas naman na ang panahon sa nalalabi pang bahagi ng bansa at makararanas lamang ng localized thunderstorms.

TAGS: habagat, low pressure area, LPA, Pagasa, weather, habagat, low pressure area, LPA, Pagasa, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.