North Korea bukas muling makipag-usap sa US ngayong buwan

By Rhommel Balasbas September 10, 2019 - 04:49 AM

AP photo

Matapos mauwi sa deadlock ang mga naging negosasyon, bukas muli ang North Korea sa dayalogo sa Estados Unidos sa katapusan ng buwan.

Sa pahayag kahapon ni North Korean Vice Foreign Minister Choe Son Hui, sinabi nito na bukas muli ang Pyongyang na magkaroon ng komprehensibong talakayan kasama ang Washington sa panahon at lugar na pagkakasunduan ng dalawang panig.

Gayunman, sinabi ng NoKor official na dapat makabuo ang US ng mga panukalang katanggap-tanggap para sa Pyongyang.

“I want to believe that the US side would come out with an alternative based on a calculation method that serves both sides’ interests and is acceptable to us,” ani Choe Son Hui.

Ayon sa diplomat kung mabigo ang US na makapagbigay ng mga bagong panukala, posibleng tuluyan nang wakasan ang kanilang kasunduan.

Ang planong pagbalik sa negotiating table ay matapos ang bigong summit sa Hanoi, Vietnam noong Pebrero.

Una nang nagkita sina US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong-Un sa makasaysayang summit sa Singapore noong Hulyo 2018 at pinag-usapan ang denuclearization sa Korean Peninsula.

Sa Hanoi, Vietnam hiniling ni Kim ang pag-alis sa sanction kapalit ng partial disarmament na hindi sinang-ayunan ni Trump.

 

TAGS: bukas, deadlock, denuclearization, korean peninsula, makipag-usap, north korea, partial disarmament, US, bukas, deadlock, denuclearization, korean peninsula, makipag-usap, north korea, partial disarmament, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.