Ayon sa Philippine National Police (PNP), sa naturang bilang ay nasa 49 na convicted ng rape ang sumuko na; 41 ang murder convicts; 13 ang robbery with homicide; lima ang robbery with rape; apat ang homicide; apat ang rape with homicide; tatlo ang may kaugnayan sa droga; tatlo ang dahil sa parricide; 2 ang murder at frustrated murder; at tig isa sa mga kasong murder and robbery, attempted rape with homicide, catnapping, robbery, rape and arson at kidnapping with murder.
Pinakaraming sumuko sa Cagayan Valley na mayroong 33 convicts ang balik sa kustodiya ng otoridad.
Una rito ay sinabi ng Bureau of Corrections (BuCor) na nasa 1,914 na convicts ng mga karumal-dumal na krimen ang napalaya dahil sa good conduct.
Pero inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumuko ang mga ito kundi ay ituturing na mga pugante.