PNP: Sumukong convicts na napalaya dahil sa GCTA, nasa 130 na
Hanggang Lunes ng hapon, sumuko na ang nasa 130 convicts na napalaya sa ilalaim ng good conduct time allowance (GCTA) law.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), sa naturang bilang ay nasa 49 na convicted ng rape ang sumuko na; 41 ang murder convicts; 13 ang robbery with homicide; lima ang robbery with rape; apat ang homicide; apat ang rape with homicide; tatlo ang may kaugnayan sa droga; tatlo ang dahil sa parricide; 2 ang murder at frustrated murder; at tig isa sa mga kasong murder and robbery, attempted rape with homicide, catnapping, robbery, rape and arson at kidnapping with murder.
Pinakaraming sumuko sa Cagayan Valley na mayroong 33 convicts ang balik sa kustodiya ng otoridad.
Una rito ay sinabi ng Bureau of Corrections (BuCor) na nasa 1,914 na convicts ng mga karumal-dumal na krimen ang napalaya dahil sa good conduct.
Pero inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumuko ang mga ito kundi ay ituturing na mga pugante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.