Iniimbestigahan ngayon ng mga awtoridad ang dalawang outbound passengers na nakuhaan ng baril sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon, araw ng Lunes.
Unang nahuli sa Terminal 1 matapos makuhaan ng .22-caliber pistol ang pasaherong si Leandro Gatdula na papunta sanang Incheon, South Korea
Nakita sa initial screening ng Office for Transportation Security (OTS) personnel sa luggage ni Gatdula ang baril.
Agad ipinaalam ng OTS sa Aviation Security Group ng Philippine National Police (PNP) ang insidente.
Bukod sa baril, nakuha rin mula kay Gatdula ang anim na bala at isang magazine.
Sa Terminal 2 naman, nakatakda nang mag-check in para sa kanyang flight pa-Dubai ang pasaherong si Jason Tobias nang makitaan ito ng revolver sa kanyang luggage.
Hinuli sina Gatdula at Tobias dahil sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.