2 babaeng supplier ng ecstasy sa Makati arestado

By Rhommel Balasbas September 10, 2019 - 04:16 AM

Arestado ang dalawang babae na nagbebenta umano ng ectasy sa Makati City, Lunes ng gabi.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya laban sa dalawang babae sa isang bar sa Brgy. Poblacion.

Kapwa nagtatrabaho sa bar ang dalawang babae bilang manager at entertainer.

Ayon kay Makati City Police chief Roger Simon, positibong nabilhan ng P3,000 halaga ng droga ang mga suspek.

Agad na inaresto ang dalawa at nakuhaan ng 10 puting tablet ng ecstasy na tinatayang nagkakahalaga ng P25,000.

Nagsusuplay umano ang dalawa ng ecstasy sa iba’t ibang bar sa Makati Avenue at P. Burgos Street.

Mariin namang itinanggi ng dalawang suspek ang mga akusasyon at iginiit na na-set up lamang sila ng isang kasamahan.

Mahaharap ngayon ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

TAGS: 2 babae, arestado, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ecstasy, entertainer, Makati, Makati City Police, manager, set-up, supplier, 2 babae, arestado, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ecstasy, entertainer, Makati, Makati City Police, manager, set-up, supplier

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.