WATCH: Matandang nahulog sa Pasig River iniligtas ng pulis

By Len Montaño September 10, 2019 - 03:41 AM

Photo from a video by Jose Commandante Jr.

Sinagip ng pulis na nakatalaga sa Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang isang matandang babae na nahulog sa Pasig River sa bahagi ng McArthur Bridge.

Nagmamando ng daloy ng trapiko sina Police Corporal Romero Balagtas Jr., at Patrolman Lester Magno sa Plaza Sta. Cruz nang may mag-report na isang matanda ang nadulas at nahulog sa Pasig River.

Pagdating sa lugar ay nakita nina Balagtas at Magno na nalulunod ang matanda na nakahawak lamang sa mga water lily.

Hindi nagdalawang-isip si Balagtas at agad na tumalon para iligtas ang matanda.

Hindi inalintana ni Balagtas na naka-uniporme pa siya at kahit nabasa ang kanyang cellphone at pitaka maisalba lamang ang matanda.

TAGS: cellphone, iniligtas, isinalba, manila, matanda, McArthur Bridge, MDTEU, nahulog, naka-uniporme, naka-unipormer, olice Corporal Romero Balagtas Jr., pasig river, pitaka, Pulis, water lily, cellphone, iniligtas, isinalba, manila, matanda, McArthur Bridge, MDTEU, nahulog, naka-uniporme, naka-unipormer, olice Corporal Romero Balagtas Jr., pasig river, pitaka, Pulis, water lily

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.