MMDA: 3,810 toneladang basura at water lilies nakuha sa Manila Bay

By Rhommel Balasbas September 10, 2019 - 03:35 AM

Umabot na sa 3,810 toneladang basura, water lilies at burak ang natanggal sa Manila Bay at mga nakakonektang kanal rito buhat nang magsimula ang rehabilitation program ng gobyerno ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Batay sa Manila Bay rehabilitation report ng MMDA na inilabas Lunes ng hapon, mula January 7 hanggang August 31, nakuha mula sa Manila Baywalk at mga kanal ang 749.72 toneladang basura.

Sa beach area, lagoon at aplaya ng Baseco beach sa Tondo ay nakakuha rin ng 737.12 toneladang basura at water hyacinths din ang nakuha.

Sa Pasig River at San Juan River, umabot sa 901.85 toneladang basura at water hyacinths ang nakuha.

Habang 1,422.17 toneladang burak ang naialis sa mga estero at kanal.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, asahan nang mas marami pang basura ang makukuha sa Manila Bay dahil sa malalakas na pag-ulan nitong nagdaang mga araw.

Gayunman, sinabi ni Lim na hindi ititigil ang rehabilitasyon.

Nanawagan ang opisyal ng mas marami pang volunteers para sa isinasagawang clean-up tuwing Sabado sa Baywalk at Baseco.

Karamihan umano sa mga nakokolekta sa clean-up ay mga naanod na kawayan mula sa mga malapit na palaisdaan, water hyacinths, plastic at basura mula sa mga bahay.

Naniniwala si Lim na marami pa ang kailangang gawin para ayusin ang Manila Bay.

Bukod sa paghahakot ng mga basura, bahagi rin ng Manila Bay rehabilitation ang paglilinis sa malalaking drainage na konektado sa dagat gaya ng Estero San Antonio de Abad, Tripa de Gallina, Padre Faura Drainage Main, Remedios Drainage Main.

 

TAGS: Baseco beach, Basura, baywalk, burak, clean up, drainage, estero, kanal, Manila Bay, mmda, palaisdaan, plastic, rehabilitation, Tondo, water hyacinths, water lily, Baseco beach, Basura, baywalk, burak, clean up, drainage, estero, kanal, Manila Bay, mmda, palaisdaan, plastic, rehabilitation, Tondo, water hyacinths, water lily

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.