Ito na ang ikalimang sunod na buwan na bababa ang singil sa kuryente.
Sa statement ng Meralco, bababa ng 0.526 centavos per kilowatt-hour (kWh) ang singil sa kuryente ngayong Setyembre.
Mula sa P9.5674 per kWh noong Agosto ay magiging P9.0414 per kWh na lamang ang singil ngayong buwan.
Ang mga kumokonsumo ng 200 kWh ay mababawasan ng P105 sa kanilang bill.
Ayon sa Meralco, sa nakalipas na limang buwan, o mula noong Abril, ang total downward adjustment ay umabot na sa P1.52 per kWh.
Sinabi ng kumpanya na ang overall rates sa buwang ito ay mas maliit dahil sa mas mababang singil sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).
Hindi rin nagdeklara ng kahit anong Yellow at Red Alerts ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) noong Agosto kumpara sa siyam na yellow alerts noong Hulyo.