7 sugatan sa karambola ng 5 sasakyan sa EDSA-Guadalupe
Nasugatan ang pitong katao sa karambola ng anim na sasakyan sa northbound lane ng EDSA-Guadalupe.
Ayon kay SPO2 Leo Vasquez ng PNP-Highway Patrol Group (HPG), sa pitong nasugatan, tatlo ang isinugod sa Ospital ng Makati.
Sangkot sa nasabing aksidente ang dalawang pampasaherong bus na Roval Transport at Golden Sky Bus, tatlong pampasaherong jeep na pawang biyaheng Guadalupe – Leon Guinto at isang taxi.
Sa inisyal na imbestigasyon, ang Roval Transport na may plate number na ARA 8273 ang bumangga sa isang pampasaherong jeep na nagresulta na ng domino effect sa mga kalapit na sasakyan.
Wasak ang windshield ng Roval Transport at wasak na wasak rin ang gilid ng taxi.
Ang dalawa sa tatlong pampasaherong jeep nasangkot sa aksidente ay pawang wasak din ang bumper.
Ayon kay Vasquez, pinaghahanap ngayon ang driver at konduktor ng Roval Bus na kapwa tumakas matapos ang aksidente.
Naganap ang nasabing aksidente malapit sa MRT Station ng Guadalupe.
Ang naturang aksidente ay nagdulot ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko sa northobound lane ng EDSA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.