Rollback sa petrolyo epektibo na ngayong umaga

By Rhommel Balasbas September 10, 2019 - 02:58 AM

Epektibo na ngayong alas-6:00 ng umaga ang price rollback ng karamihan sa mga kumpanya ng langis.

Lahat ng kumpanya ng langis ay may P0.50 kada litrong bawas sa presyo ng gasolina at P0.10 sa tapyas sa kada litro ng diesel.

Ang Flying V, Petron, Chevron Philippines, at Shell ay may P0.25 na rollback din sa presyo ng kanilang kerosene o gaas.

Una nang nagpatupad ng rollback ang Phoenix Petroleum at Cleanfuel noong weekend na sinundan kahapon ng Seaoil.

Ito na ang ikatlong sunod na linggong bawas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Ayon sa oil industry sources, ang patuloy na pagbaba ng presyo ng imported na petrolyo ay dahil pa rin sa trade war ng China at US.

 

TAGS: China, diesel, epektibo na, gaas, gasolina, kerosene, oil price, petrolyo, rollback, trade war, US, China, diesel, epektibo na, gaas, gasolina, kerosene, oil price, petrolyo, rollback, trade war, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.