Pagsunog sa planta ng imprenta ng Abante News Group kinondena
Mariing kinondena ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang pagsunog sa printing plant ng Abante News Group sa Parañaque araw ng Lunes.
Ayon kay PTFoMS Undersecretary Joel Egco, inatasan na siya nina Justice Secretary Menardo Guevarra at Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na magsagawa ng malalimang imbestigasyon.
Ayon kay Egco, inatasan na rin niya si Lt. Col. Eder Collantes, Task Force Chief of Investigation na bumuo ng crack team ng mga imbestigador para magtungo sa crime scene.
Nagpasaklolo na rin si Egco sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) para ayudahan ang gagawing imbestigasyon.
Ayon kay Egco, base sa pakikipag-ugnayan sa pamunuan ng Abante, hindi naman kritikal ang kanilang pahayagan sa administrasyon at wala ring may alam na may indibidwal o grupo na may galit sa kanila para gawan ng masama ang publication.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.