M4.7 na lindol yumanig sa Oriental Mindoro
By Rhommel Balasbas September 10, 2019 - 02:00 AM
Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang bahagi ng Oriental Mindoro ala-1:17 Martes ng madaling araw.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong siyam na kilometro Hilagang-Kanluran ng Puerto Galera.
May lalim ang pagyanig na 183 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Instrumental Intensity I ang naitala sa Puerto Galera, Oriental Mindoro; Quezon City; at Bacoor, Cavite.
Hindi naman inaasahang nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.