Nagkasundo sina Pangulong Rodrigo Duterte at Singaporean President Halimah Yacob na lalo pang paigtingin ang ugnayan ng dalawang bansa sa usapin sa defense dialogue at training sa pagitan ng militar at special forces.
“We talked about deepening our cooperation in defense and security, which includes strengthening defense dialogues and training exchanges between the military and special forces,” ani Duterte.
Sa joint press statement araw ng Lunes, sinabi ni Pangulong Duterte na unti-nti nang nagbubunga ang magandang ugnayan ng dalawang bansa.
“It was my pleasure to share with President Yacob our gains in peace and development in Mindanao, particularly our progress in establishing the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao,” dagdag ng pangulo.
Halimbawa na lamang aniya ang peace and development sa Mindanao region partikular na ang bagong tatag na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ayon sa pangulo ang pagkakaroon ng pangmatagalang kapayapaan at pag-unlad ng Mindanao ang pinakamalaki at pinaka mabigat na ginawa ng Pilipinas at Singapore.
“We discussed ways by which our cooperation could help contribute in bringing just and lasting peace and meaningful progress and development in Mindanao – one of the greatest and most crucial undertakings that our nation has embarked [upon].”