Suicide bombing sa Sulu kinondena ni Deputy Speaker Hataman

Nagpahayag ng pagkundena si Deputy Speaker Mujiv Hataman sa suicide bombing sa Barangay Kajatian, Indanan, Sulu.

Ayon kay Hataman, ang mga “terrorist attacks” at iba pang “acts of violence” ay maituturing na “inhuman” at tiyak na gagawa ang mga ito ng paraan para hindi magtagumpay ang kapayapaan.

Aniya pa, bagamat wala namang inosenteng sibilyan na nasaktan o nasawi sa insidente hindi dapat magpaka-kampante ang gobyerno at ang pamahalaan.

Dahil dito, pinayuhan ni Hataman ang publiko na maging alerto sa paligid at i-report ang anumang kahina-hinalang tao o aktibidad na mapapansin sa kanilang lugar.

Hiniling din ng kongresista sa mga otoridad ang malaliman at mabilis na imbestigasyon sa Indanan bombing at mapanagot ang mga nasa likod ng pambobomba.

Nagsasagawa ng checkpoint operation and mga elemento ng 35IB ng Philippine Army sa lugar ng atakehin ng babaeng suicide bomber na kaagad nasawi.

 

 

 

Read more...