Gobyerno kinalma ang publiko sa pagpasok ng ASF sa Bansa

By Chona Yu September 09, 2019 - 03:02 PM

Inquirer file photo

Walang dapat na ikabahala ang publiko sa pagkumpirma ng Department of Agriculture na positibo na sa sakit na African Swine Fever (ASF) ang ilang mga baboy sa bansa.

Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, may ginagawa nang kaukulang hakbang ang D.A para masiguro ang kaligtasan ng publiko.

Standard operating procedure na aniya o SOP para sa D.A na agad na maglatag ng mga pamamaraan para hindi na kumalat ang naturang sakit sa mga baboy.

Ayon kay Panelo, ang pinaka resonableng dapat na gawin ngayon ng publiko ay iwasan na muna ang pagkain ng baboy habang inaantabayanan pa ang direktiba ng D.A at ng Department of Health (DOH).

Tiyak naman aniyang hindi ipapamahamak ng D.A ang publiko at lalong hindi ilalagay sa peligro ang kalusugan ng bawat isa.

TAGS: African Swine Fever, BUsiness, doh, panelo, SOP, African Swine Fever, BUsiness, doh, panelo, SOP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.