Mga kongresista mag do- double time para maipasa agad sa plenaryo ang 2020 budget

By Erwin Aguilon September 09, 2019 - 02:36 PM

Magdo-doble kayod ang Mababang Kapulungan ng Kongreso upang mabilis ang pag-apruba ng plenaryo sa 2020 national budget.

Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, mula bukas araw ng Martes sisimulan ang sesyon ng Kamara para sa deliberasyon ng P4.1 Trillion budget ganap na ala una ng hapon at magtutuluy-tuloy ito hanggang gabi.

Maging Biyernes anya ay magtatrabaho din ang Kamara na magtatagal hanggang sa susunod na Linggo.

Umapela din si Romualdez sa mga kongresista na tulungan muli ang liderato ng Kamara na aprubahan agad ang budget.

Ang house leadership aniya sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Alan Peter Cayetano ay muling nakikiusap sa mga mambabatas na iwasan ang paulit-ulit at magtanong lamang ng mga mahahalaga gayundin ang regular na pagdalo sa sesyon hanggang sa maaprubahan ang budget.

Umaasa si Romualdez na muling magpapakita ng professionalism at disiplina ang mga kongresista sa deliberasyon ng budget.

Matapos naman ang dalawang linggong debate sa pambansang pondo sa plenaryo, i-pi-print naman agad ang kopya para sa 3rd at final reading ng panukalang budget na inaasahang maaaprubahan bago ang adjournment sa October 4.

TAGS: House Majority Leader Martin Romualdez, Kamara, P4.1 Trillion budget, Speaker Alan Peter Cayetano, House Majority Leader Martin Romualdez, Kamara, P4.1 Trillion budget, Speaker Alan Peter Cayetano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.