Mga labi ng suicide bomber sa Indanan, Sulu isasalang sa DNA test
Isasalang sa DNA test ang tissue samples na kinuha mula sa hinihinalang babaeng suicide bomber na sangkot sa pagpapasabog sa Indanan, Sulu kahapon araw ng Linggo.
Sinabi ni Western Mindanao Command (Westmincom) chief Lieutenant General Cirilito Sobejana na malaki ang maitutulong ng DNA test para makilala ang nasabing Caucasian-looking na suspected bomber.
Ang nasabing suspek lamang ang nag-iisang namatay sa nasabing terror act ayon pa sa opisyal.
Sinabi ni Joint Task Force Sulu spokesperson Lieutenant Colonel Gerard Monfort na nagtangkang pumasok sa KM3 Detachment ng 35th Infantry Battalion ang nasabing suspek pero kaagad siyang hinarang mga sundalo.
Nagpumilit pa umanong pumasok ang nasabing suicide bomber bago niya pinasabog ang kanyang sarili.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.