Hinikayat ng isang Filipino Chinese rice expert and pioneer hybrid rice farming ang pamahalaan na tanggapin ang ino-offer ng China na joint exploration sa pinagtatalunang karagatang sakop ng Pilipinas na inaangkin din ng ilang kalapit na bansa.
Sa forum ng Samahang Plaridel, sinabi ni Dr. Henry Lim Bon Liong, Presidente ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) at CEO ng Sterling Paper Group & SL AgriTech, sayang ang araw, lumilipas ang panahon na dapat kumikita na ang bansa.
Pinaliwanag ni Liong na mas mabuti na ang offer na 60 percent para sa Pilipinas at 40 percent sa China kaysa nakatiwangwang ang mga resources na dapat pinagkakakitaan na ng mga Filipino.
Kaya dapat na aniyang tanggapin ng pamahalaan ang pagkakataon.
Iginiit din ni Liong na sa ngayon ay huwag na muna pumokus sa isyu ng sovereignty and independence kundi hayaan na lamang na ang susunod na henerasyon ang lumutas nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.