16 sa 20 blood samples ng mga baboy positibo sa ASF – Department of Agriculture

 

Positibo sa African Swine Fever ang 16 sa dalawampung blood samples ng baboy na pinasuri ng Department of Agriculture sa United Kingdom.

Inihayag ito Agriculture Secretary William Dar araw ng lunes kasabay ng pagtiyak na walang dapat ikabahala ang publiko.

Ayon kay Secretary Dar, ginagawa na ng kagawaran ang lahat para matiyak na hindi lalaganap ang nasabing sakit ng hayop.

Samantala, wala pang resulta ang hiwalay na pagsusuri sa mga blood samples para naman matiyak kung anong uri ng strain at kung gaano ito kalala.

Kaugnay nito, sinabi ng kalihim na “cleared” na sa ASF ang bahagi ng Rizal at Bulacan na inilagay sa quarantine kasunod ng mga insidente ng pagkamatay ng mga baboy at nalinis na rin ang mga lugar na nasa 1-kilometer radius.

Ang outbreak ng ASF sa mga baboy ay naitala sa ilang mga bansa sa Asya gaya ng Vietnam, Laos at China.

Read more...