Committee report para sa panukalang P4.1T 2020 budget aaprubahan na ngayong araw
Nakatakdang aprubahan ngayong araw ng House Committee on Appropriations ang committee report ng House Bill 4228 o ang P4.1 Trillion 2020 General Appropriations Act.
Ayon kay Appropriations Committee Chairman Isidro Ungab, matapos ito ay kaagad isasalang bukas sa plenaryo ang panukala para sa ikalawang pagbasa at debate.
Ipinagmalaki naman ni Ungab na agad nilang natapos sa itinakdang oras ang pagdinig para sa 2020 budget ng lahat ng mga ahensya ng gobyerno.
Nagawa ito dahil na rin sa epektibong patnubay ni Speaker Alan Peter Cayetano na nais matiyak ang agad na pag-apruba sa pambansang pondo.
Aniya pa, si Cayetano din ang nagrekomenda na i-adjust ang plenary schedule para ma-accommodate ang apat na budget briefings araw-araw.
Nagpasalamat din si Ungab sa suporta at koordinasyon ng mga kongresista sa pagtupad ng iniatang na tungkulin sa kanila ng liderato ng Kamara gayundin sa kooperasyon at attendance ng iba’t ibang pinuno ng ahensya ng pamahalaan.
Sa mga nagdaang schedule ng Kamara sa pagdinig sa budget karaniwan na natatapos ito tuwing huling linggo ng Setyembre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.