Rapists at murderers itapon sa West Philippine Sea – Andanar

By Chona Yu September 09, 2019 - 08:31 AM

Naniniwala si Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na mas makabubuting itapon na lamang sa mga isla sa West Philippine Sea ang mga rapist at murderer sa bansa.

Pahayag ito ni Andanar sa gitna ng kontrobersiya sa implementasyon ng good
conduct time allowance law.

Ayon kay Andanar, sa ganitong paraan maihihiwalay ang mga bilanggo na nakagawa ng karumal-dumal na krimen sa mga ordinaryong preso o nakagawa lamang ng magaan na kasalanan.

Ilan sa mga isla sa West Philippine Sea ang pilit na inaangkin ng China.

Matatandaang makailang beses nang iminungkahi ang pagkakaroon ng mala-Alcatraz na sistema ng pagpapakulong sa mga kilabot na kriminal.

Ang “Alcatraz” ay dating military prison sa isang isla sa San Francisco Bay sa Amerika na kalaunan ay naging kulungan din ng mga hinatulan ng pagtataksil noong panahon ng civil war sa Amerika.

TAGS: Alcatraz, andanar, murderers, rapist, Alcatraz, andanar, murderers, rapist

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.