PNP-HPG nagsimula nang magmando ng traffic sa EDSA

Sinimulan na ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang pagmamando ng daloy ng traffic sa EDSA.

Ang PNP-HPG ay tutulong sa mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Alas 5:00 ng umaga ng Lunes, Sept. 9 pormal na nagsimula ang deployment ng mga tauhan ng PNP-HPG.

Base sa kasunduan, ang mga tauhan ng PNP-HPG ay magmamando ng traffic sa mga intersection ng EDSA mula Timog Avenue hanggang Ortigas Avenue.

43 tauhan ng HPG ang sinimulang italaga ayon sa MMDA.

Read more...