Mga kaalyado ng Saudi Arabia, tinalikuran na rin ang Iran
Bilang pakikiisa sa kaalyadong bansa na Saudi Arabia, pinutol na rin ng mga bansang Bahrain at Sudan ang ugnayan nila sa Iran.
Matatandaang mariing kindondena ng Iran ang pagbitay ng Saudi sa isang prominenteng Shiite cleric kasama ng 46 iba pa, na nagpalala ng matagal nang mainit na tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Inanunsyo naman ng United Arab Emirates (UAE) na ibababa nito ang kanilang ugnayan sa Tehran hanggang sa lebel ng chargé d’affaires at tanging mga isyung pang-ekonomiya na lamang ang maiiwang nagkokonekta sa dalawa.
Binatikod rin ng Somalia ang ginawa ng mga nag-protesta sa Iran na pag-sunog sa embahada ng Saudi sa Tehran at sinabing isa itong paglabag sa international law.
Samantala, nitong Lunes, isang araw matapos ang deklarasyon ng Saudi Arabia, kinansela at ipinatigil na ang lahat ng mga flights patungo at pabalik mula Iran kasabay ng tuluyan nilang pagputol sa anumang ugnayang pang-diplomasya sa nasabing bansa.
Ayon sa kanilang aviation authority, ginawa nila ang desisyon alinsunod sa pagputol ng Saudi ng diplomatic relations nito sa Iran, at sinabihan na lamang ang mga airlines na kausapin na lang ang mga pasahero nilang nakatakdang lumipad patungong Iran, o kaya ay mula Iran patungong Saudi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.