Metro Manila, mga kalapit na lalawigan patuloy na uulanin – PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo September 09, 2019 - 08:09 AM

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa Zambales.

Sa 8:00AM rainfall warning ng PAGASA, yellow warning ang umiiral sa Zambales dahil sa patuloy na malakas na buhos ng ulan na nararanasan doon.

Samantala, aasahanan naman ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman sa Metro Manila, Cavite, at Rizal sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Habang ganitong lagay ng panahon na ang nararanasan sa Tarlac, Nueva Ecija, Bataan, Pampanga at Bulacan na inaasahan ding tatagal ng hanggang tatlong oras.

Ang Habagat ang naghahatid ng pag-ulan sa nabanggit na mga lugar.

Payo ng PAGASA sa mga residente maging maingat sa posibleng pagbaha at landslides.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 11:00 ng umaga.

TAGS: Metro Manila, Pagasa, rainfall warning, southwest monsoon, weather, Metro Manila, Pagasa, rainfall warning, southwest monsoon, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.