3 bangkang pangisda hinarang ng coast guard sa karagatang sakop ng Masbate

By Dona Dominguez-Cargullo September 09, 2019 - 06:28 AM

Tatlong bangkang pangisda ang hinarang mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa karakagatang sakop ng Aroroy, Mandaon at Balud sa Masbate.

Natyempuhan ang tatlong bangka habang nagsasagawa ng seaborne patrol ang Maritime Law Enforcement Team ng Coast Guard Station Masbate, Search Operation Unit at Coast Guard Sub-Station Milagros.

Ang tatlong bangkang pangisda ay kinabibilangan ng “Baby Yanz 1”, “Baby Yanz2” at “Kate Ciane”.

Natuklasang gumagamit ang mga ito ng fine mesh net na mayroong tom weight o kilala sa tawag na “zipper”.

Ayon sa coast guard paglabag ito sa Philippine Fisheries Code of 1998.

Wala ring karampatang dokumento para mag-operate ang nasabing mga bangka.

Dinala na sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Masbate ang mga nakumpiskang bangka at mga dinakip na crew nito.

 

TAGS: apprehended fishing boats, aroroy, bALUD, coast guard, Mandaon, Masbate, apprehended fishing boats, aroroy, bALUD, coast guard, Mandaon, Masbate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.