Daan-daang libong bahay nawalan ng kuryente sa pananalasa ng Storm Dorian sa Canada

AP photo

Daan-daang libong bahay nawalan ng kuryente sa pananalasa ng Storm Dorian sa Canada

Aabot sa 450,000 bahay ang walang kuryente ngayon sa lalawigan ng Nova Scotia sa Canada dahil sa matinding pananalasa ng Storm Dorian.

Putol din ang napakaraming puno sa dahil sa lakas ng bagyo.

Ayon sa Canadian Hurrican Centre, aabot sa 150 millimeters ang ibinuhos na ulan ng sa ilang mga lugar.

Libu-libo na ang pinayuhang lumikas bago pa tumama ang bagyo sa northern Newfoundland at eastern Labrador.

Sa isang Twitter post, tiniyak ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na numero unong prayoridad ang kaligtasan ng mga mamamayan at handa ang gobyerno na tumulong.

Bago manalasa sa Canada, isang category five hurricane ang Storm Dorian at nanalasa sa Bahamas kung saan 43 ang nasawi at inaasahan pang madaragdagan.

Ayon sa mga opisyal, daan-daan pang mga katawan ang inaasahang matatagpuan sa mga lugar na matinding binayo ng hangin at malalakas na alon.

Read more...