Yellow warning nakataaas sa Zambales

By Dona Dominguez-Cargullo September 09, 2019 - 05:37 AM

Nakataas ang heavy rainfall warning sa Zambales.

Sa 5:00AM rainfall warning ng PAGASA, yellow warning ang umiiral sa Zambales dahil sa patuloy na malakas na buhos ng ulan na nararanasan doon.

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang nakaaapekto sa Metro Manila, Cavite, Rizal, Bulacan, Pampanga, Bataan, Tarlac at Nueva Ecija.

Ang Habagat ang naghahatid ng pag-ulan sa nabanggit na mga lugar.

Payo ng PAGASA sa mga residente maging maingat sa posibleng pagbaha at landslides.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 8:00 ng umaga.

TAGS: Pagasa, Radyo Inquirer, rainfall warning, weather, Pagasa, Radyo Inquirer, rainfall warning, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.