Bahagi ng Roxas Boulevard malapit sa Luneta isasara sa mga motorista ngayong umaga

By Rhommel Balasbas September 09, 2019 - 05:01 AM

Isasara sa mga motorista ang bahagi ng Roxas Boulevard sa bahagi ng Luneta ngayong umaga ng Lunes upang bigyang daan ang state visit ni Singapore President Halimah Yacob.

Ayon sa Manila Police District Traffic Enforcement Unit, ang north at southbound lane ng Roxas Boulevard mula TM Kalaw Avenue hanggang Katigbak Drive ay sarado simula alas-10:00 ng umaga.

Hindi pa tiyak kung anong oras muling bubuksan ang kalsada.

Dahil dito pinayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternate routes.

Ang light vehicles na dadaan sa southbound lane ng Roxas Boulevard ay dapat kumanan patungong Katigbak Drive, kumaliwa sa Independence Road, kumaliwa sa South Drive, kumaliwa sa P. Burgos Avenue, kumanan sa Ma. Orosa Street, kumanan sa TM Kalaw Avenue patungo sa destinasyon.

Ang mga trucks at trailer trucks na gagamit ng soutbound lane ng Roxas Boulevard ay dapat kumaliwa sa P. Burgos Avenue, kumanan sa Finance Road patungo sa destinasyon.

Ang light vehicles naman na gagamit ng northbound lane ay dapat kumanan patungong TM Kalaw Avenue, kumaliwa sa Ma. Orosa Street kumanan sa Finance Road patungo sa destinasyon.

Ang mga trucks at trailer trucks na gagamit ng northbound lane ay dapat kumanan sa President Quirino Avenue patungo sa destinasyon.

TAGS: road closure, roxas boulevard, Singapore President Halimah Yacob, state visit, road closure, roxas boulevard, Singapore President Halimah Yacob, state visit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.