Babae nasawi sa pananaksak sa Quezon City

By Rhommel Balasbas September 09, 2019 - 03:17 AM

Duguan at wala nang buhay nang matapuan ang isang babae sa tabi ng isang pedicab sa Sitio San Roque, Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City, Linggo ng gabi.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, nagtamo ang hindi pa nakikilalang babae ng nasa 15 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito.

Tinatayang nasa edad 30 pataas ang biktima.

Ayon sa tinderang si Merly Dilao, nakita niyang tumatakbong duguan galing sa looban ang babae at humihingi ng tulong.

Bumagsak na lamang sa tabi ng pedicab ang biktima at dito na binawian ng buhay.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

TAGS: Bagong Pag-asa, crime, quezon city, stabbing incident, Bagong Pag-asa, crime, quezon city, stabbing incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.