M3.4 na lindol naitala sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-2:07 Lunes ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 24 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani.

May lalim ang pagyanig na 33 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...