Presyo ng produktong petrolyo may rollback muli ngayong linggo

By Rhommel Balasbas September 09, 2019 - 02:24 AM

Nag-anunsyo na ang karamihan sa mga kumpanya ng langis ng ipatutupad na rollback sa kanilang mga produkto ngayong linggo.

Ito na ang ikatlong linggo na may rollback sa presyo ng petrolyo.

Ang Phoenix, Cleanfuel, Petro Gazz, Shell at Seaoil ay may P0.50 na bawas sa presyo ng kada litro ng gasolina at P0.10 na tapyas sa presyo ng kada litro ng diesel.

Ang Shell ay may P0.25 din na rollback sa presyo ng kanilang gaas.

Una nang nagpatupad ng rollback ang Phoenix alas-6:00 pa lang ng umaga noong Sabado na sinundan ng Cleanfuel alas-4:01 ng hapon ng Linggo.

Alas-6:00 naman ng umaga ngayong Lunes epektibo ang rollback ng Seaoil na susundan ng iba pang kumpanya bukas, araw ng Martes.

TAGS: 3rd consecutive week, oil price rollback, petrolyo, 3rd consecutive week, oil price rollback, petrolyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.