Sumukong convicts na una nang napalaya dahil sa GCTA umabot na sa 118

By Rhommel Balasbas September 09, 2019 - 03:28 AM

Lumobo pa ang bilang ng mga convicts ng heinous crimes na kusang sumuko matapos unang mapalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Sa pinakahuling datos ng Philippine National Police (PNP) alas-6:00 ng gabi ng Linggo, umabot na sa 118 heinous crimes convicts na napalaya ang nagtungo sa mga istasyon ng pulis sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sumuko.

Batay sa datos, pinakamaraming sumuko ay mga nahatulang guilty sa kasong rape at murder na tig-39 sa bilang at sinundan ng 12 nahatulang guilty sa kasong robbery with homicide.

Sa kabuuang bilang na 118, ang pinakamarami ay mula sa Region 2 na may 36 surrenderees at sinundan ng MIMAROPA na may 25.

Kabilang din sa mga sumuko ay dalawa sa tatlong napalayang convicts ng Chiong sisters’ rape-slay case.

Nasa kustodiya ngayon ng pulisya ang surrenderees at nakatakdang sumailalim sa reevaluation at recomputation ng kanilang mga GCTAs.

Magugunitang 1,914 heinous crime convicts ang napalaya kahit na hindi dapat kwalipikado sa ilalim ng batas.

Samantala, nagpahayag ng kasiyahan si Interior Secretary Eduardo Año sa pagtalima ng heinous crime convicts sa utos ng pangulo na kusa silang sumuko sa mga awtoridad.

Pinayuhan ni Año ang mga local government officials at ang publiko na tulungan ang pulisya sa pagsuko ng mga heinous crimes convicts.

TAGS: Bureau of Corrections, convict surrenderees, Good Conduct Time Allowance (GCTA), Philippine National Police, Bureau of Corrections, convict surrenderees, Good Conduct Time Allowance (GCTA), Philippine National Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.