Gilas Pilipinas winakasan ang kampanya sa FIBA World Cup nang walang panalo

By Rhommel Balasbas September 09, 2019 - 01:02 AM SHARE(S):

Bigo ang Gilas Pilipinas na manalo sa kahit isang laro sa FIBA World Cup.

Linggo ng gabi, tinapos na ng Gilas ang kampanya nito sa FIBA at natalo muli kontra Iran sa iskor na 95-75 sa classification phase sa Beijing Wukesong Sports Center, China.

Dahil sa pagkatalo, nasa kulelat sa kanilang classification group ang Gilas at bumaba mula sa 29th patungong 32nd place sa final ranking.

Samantala, itinanghal na best Asian team ang Iran at aabante na sa 2020 Tokyo Olympics.

Naungusan ng Iran ang China na natalo sa kanilang final game sa Nigeria.

TAGS: Fiba World Cup, Gilas Pilipinas, winless, Fiba World Cup, Gilas Pilipinas, winless

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.