Aktor na si Lito Legaspi pumanaw na sa edad na 77

By Rhommel Balasbas September 09, 2019 - 12:47 AM SHARE(S):

Pumanaw na sa edad na 77 ang beteranong aktor na si Lito Legaspi.

Ayon sa ulat ng entertainment website na PEP.ph, binawian ng buhay si Legaspi sa Cardinal Santos Memorial Medical Center alas-10:00 ng umaga ng Linggo.

Noon pang Biyernes isinugod sa ospital ang aktor makaraang makaranas ng paninikip ng dibdib.

Iniwan ni Legaspi ang mga anak na sina Zoren, Brando, Kier at Jupiter, at ang kanyang estranged wife na si Hershey.

Nakatakda sanang ipagdiwang ni Legaspi ang kanyang ika-78 kaarawan bukas, September 10.

Ibuburol ang labi ng beteranong aktor sa Loyola Memorial Funeral Homes sa Marikina City.

Nagsimula ang showbiz career ni Legaspi taong 1959 at sumikat bilang isa sa matinee idols ng Sampaguita Pictures.

TAGS: cardiac arrest, Lito Legaspi, veteran actor, cardiac arrest, Lito Legaspi, veteran actor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.